CHICKENPOX AT ANG PAGKAIN NG MALALANSANG PAGKAIN

DOC ZACATE-ZACATERBANG PAYO.jpg

Malimit na sinasabi ng ating mga magulang nung tayo ay mga bata pa na huwag kumain ng itlog, manok pati na rin maging ang mga pagkaing malalansa kapag tayo ay nagka-bulutong-tubig or yung kilala sa tawag na “Chickenpox”, dahil maaari raw itong dumami at kumalat sa buong katawan ng isang tao. Gaano nga ba katotoo ang kasabihang ito ng mga matatanda?

Bago natin sagutin ang bagay na iyan, atin munang talakayin kung ano ang Chickenpox. Ang Chickenpox ay sanhi ng Varicella-Zoster Virus, ito ay kabilang sa pamilya ng Herpes virus at ito ay naglalaman ng DNA genome. Ito ay nakukuha sa pamamagitan ng Aerosol Transmission na galing sa secretions ng mga vesicles ng skin lesions, maaari rin itong ma-transmit by direct contact ng mga secretions ng vesicles na nasa balat ng taong mayroon nito at mapahid natin sa ating mga ilong at bibig, maaari rin itong makuha by nasal and oral secretions kapag ang isang taong mayroon bulutong tubig ay bumahing at malanghap ng isang tao. Ang sakit na ito ay napakadaling makahawa ng ibang tao at walang pinipiling edad or kasarian.

Kapag ang isang tao ay nahawa, ang sakit na Chickenpox ay maaring mag-manifest mula 10 hanggang 21 days pagkatapos magkaroon ng contact sa isang taong may sakit. Ito ay nagsisimula bilang isang lagnat at pananakit ng katawan, isa hanggang 2 days saka naman lumalabas ang mga skin lesions nito. Maaring makahawa ang isang tao na may sakit na ito, 1 hanggang 2 araw bago lumabas ang mga skin rashes hanggang ang lahat ng mga skin lesions ay maging pilat or ma­ging crust. Ang pangkaraniwang senyales sa balat ng taong mayroong Chickenpox ay vesicular rashes, ang base nito ay namumula at ang tuktok naman ay mayroong mala-tubig na napapalibutan ng manipis na balat, ang tubig ay maaaring mapalitan ng kulay dilaw na Nana or “Pus” sa loob ng ilang araw bago ito tuluyang mamalat or mag-encrust. Ang mga common complications sa bata ng sakit na ito ay ang magkaroon ng Secondary Bacterial infection sa balat, sa mga mas matanda naman ang pangkaraniwang complication ay ang Pneumonia na sanhi ng bacteria na Staphylococcus aureus na pangkaraniwang nakikita sa balat ng isang tao. Ang severe complications ng Chickenpox ay maaring mahati sa dalawa: ang una ay yung mismong sanhi ng virus na Varicella tulad ng Cerebellar ataxia, ence­phalitis at viral pneumonia; yung panagalawa naman ay sanhi ng secondary bacterial infections tulad ng Septicemia, Toxic Shock Syndrome, Osteomyelitis, at Septic Arthritis ( Source: Center for Disease Control).

Ang rashes na dulot ng chickenpox ay sanhi ng immunologic reactions ng katawan ng tao, ang manifestations ng rashes ng chickenpox ay maa­ring ma-augment or maging severe sa pamamagitan ng pagkain ng malalansa, sapagkat ang mga pagkaing ito ay mayroong mga allergens na maaring mag- stimulate ng panibagong immunological response sa katawan ng tao. Kaya ang kasabihan na ang rashes ng isang taong mayroong bulutong-tubig ay duma­dami sa pagkain ng itlog at iba pang malalansang pagkain ay mayroong katotohanan. Ang Chic­kenpox ay nagagamot sa pamamagitan ng Anti­virals na binibigay ng ating mga Doctor. Ang Herpes Zoster or Shingles ay isang latent infection na dulot ng parehas na virus na nanatili sa ating mga Dorsal Nerve Ganglion, ito ay isang Dormant status na maa­ring ma-trigger ng mga factors na nakakapagbigay ng Stress sa katawan ng tao, ito ay nakikita bilang isang painful rashes na distributed sa mga Dermatomes ng katawan ng isang tao.

Ang Chickenpox ay maaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna laban dito, ang isang tao na nagkaroon na ng sakit na ito ay mayroong long lasting immunity laban sa Varicella virus. Para hindi mahawaan, ang pagsusuot ng face mask, at paghugas at pagdidisinfect ng kamay ay maaaring gawin ng isang tao.

Kapag ma­yroong katanungan maaring mag email sa samuelzacate@gmail.com or mag like at mag comment sa fan page na Medicus Et Legem sa facebook link (https://www.facebook.com/Dr-Sam- Zacate-Medicus-et-Legem- 995570940634331/)    –  Dr Samuel A Zacate

 

One thought on “CHICKENPOX AT ANG PAGKAIN NG MALALANSANG PAGKAIN”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *