MAAYOS ang relasyon nina Chie Filomeno at Jake Cuenca sa ngayon at kapwa nila ayaw pag-usapan ito upang makaiwas sa kahit anong problema.
Basta raw maayos sila at nagkakasundo sa ngayon, at bahala na kung ano ang mangyayari sa mga darating na panahon.
Ani Chie, magalang at marespeto raw si Jake, at masaya talaga silang magkasama. Hindi raw si Jake ang klaseng dominante at ipipilit lagi ang gusto. Kinukunsulta raw siya nito sa mga desisyon, kahit pa sa mga roles sa TV at pelikula.
Ayon din kay Chie, mas gusto nilang dalawang maging pribado ang kanilamng relasyon. Wala silang itinatago, ngunit wala rin umano silang planong mag-PDA. Ayaw raw kasi nilang maraming makialam sa kanila.
Sa ngayon, kuntento raw si Chie sa halos lahat ng aspeto ng buhay niya. Happy siya sa career, love life, pamilya. Feeling daw niya, blessed siya dahil napakaayos nga ng lahat.