Tagumpay na naiwasan ni Jake Cuenca ang pagkalulong sa alak. Natuto raw kasi siyang magbisyo dahil nagkaroon siya ng mabigat na problema. Kapag umiinom daw siya ay sandal siyang nakakalimot, ngunit nalulong naman siya dito, amin niya.
Kilalang mahusay na actor si Jake na kaiinisan mo kapag kotrabida at kaawaan naman kapag bida. Ngunit nahihirapan daw siyang ihiwalay ang personal na problema sa trabaho kapag sobra ang kanyang problema.
May 23 taon na siya ngayon sa industriya at marami na siyang aranasan. Masaya raw siya sa kasalukuyang lovelife ngunit nakaranas din siya ng pagkabigo. Gayunman, hindi raw siya nagdududa sa plano ng Diyos para sa kanya.
Siguro nga raw ay bigay sa kanya ng Diyos si Chie Filomeno na kasalukuyan niyang kasintahan., malaki raw ang naitulong nito para matalikuran niya ag pag-inom ng kahit anong uri na ng alak.
Sabi pa ni Jake, kapag pala nakaranas ka na muntik ka nang mamatay, mag-iiba ang pananaw mo sa buhay.
Matatandaang nagkaproblema siya noong 2021 sa Ortigas nang makipaghabulan siya sa pulius.
Best decision daw talaga niya ang pag-iwas sa alak at pag-iwas na rin sa kanyang mga drinking buddies. Humanap daw siya ng ibang pagkakaabalahan, at itinutok ang atensyon sap ag-aartista.
Balak daw niyang mag-aral ng film making sa ibang bansa kapag nakaluwag-luwag siya sa mga projects.
Nanghihinayang daw siyang iwan ang marami niyang trabaho sa ngayon. Para sa kanya, strike while the iron is hot.
Baka raw isang araw, wala nang mag-alok ng projects kaya habang may dumarating, go lang siya ng go. NLVN