CHIEF LEGISLATIVE OFFICER NI HONTIVEROS NAGKA-COVID

Sen Risa Hontiveros-Baraquel

KINUMPIRMA ni Senador Risa Hontiveros na isa sa kanyang staff ang nagpositibo sa COVID-19 at nalaglag ang nasa kanyang sinapupunan.

Ayon kay  Hontiveros,  si Atty. Jaye dela Cruz Bekema na kanyang chief legislative officer na mismo ang personal na nagsabi na nag-positibo ito sa nasabing virus, limang araw matapos na malaglag ang kanyang dinadala na 18 weeks na sanggol.

Nilinaw naman ng senador na simula noong Marso 9 bago pa ang Enhanced  Community Quarantine (ECQ) ay  nag-self quarantine na si Bekema.

Nagdiwang pa umano sila Hontiveros matapos na ianunsiyo ni Bekema na buntis na siya at maaari na niyang magamit ang 105-expanded maternity leave, kaya ikinalungkot nito ang nangyari sa kanyang staff.

Tiniyak naman ng senadora na sumusunod ang kanyang staff sa guidelines ng DOH  kaugnay sa home based COVID management.

Matatandaan na hindi lamang si Bekema ang unang staff ng Senado na nagtaglay ng COVID-19 kundi maging ang lalaking staff ni Senador Bong Revilla na sumakabilang buhay na matapos na ma- confine sa isang ospital sa Imus, Cavite dahil sa umano’y pneumonia. VICKY CERVALES

Comments are closed.