CHIEF TANOD ITINUMBA SA HARAP NG KANYANG BAHAY

baril at bala

CAMP PACIANO RIZAL – PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng riding in tandem suspects ang 57-anyos na hepe ng Brgy. Tanod sa mismong harapan ng kanyang bahay sa Brgy. San Cristobal, Lungsod ng Calamba.

Sa ulat ni PLt. Gene Licud, hepe ng pulisya, nakilala ang biktimang si Arturo Jasmilona, biyudo, naninirahan sa nasabing lugar.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Calamba Doctors Hospital ang tinamong mga tama ng bala sa katawan at mukha ng biktima.

Alas-3:00 ng hapon nang barilin ng tatlong hindi pa nakikilalang suspek ang biktima habang namamahinga sa duyan sa harapan ng kanilang bahay. DICK GARAY

Comments are closed.