Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
9:30 a.m. – EAC vs LPU
3 p.m. – Mapua vs Letran
NAITALA ni Jade Talampas ang lahat ng kanyang 18 points sa second half at ginulantang ng Arellano University ang San Beda, 74-72, upang putulin ang four-game slide sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Isinalpak ni Talampas ang tatlong triples sa final period at naiposte ng Chiefs ang ikalawang panalo pa lamang sa 10 laro. “Sa akin, talagang sinunod lang namin ‘yung sistema ni coach (Chico Manabat). Although silent kami nung first half, siguro dala lang ng frustrations namin ‘yun, then lahat ng hirap namin sa training ay nagbunga lang,” sabi ni Talampas, na kumabig din ng 6 rebounds at 2 steals sa 24 minutong paglalaro.
Ang kabiguan, ang ikatlo sa 10 laro, ay naging dagok sa twice-to-beat bid ng Red Lions sa Final Four.
Nahulog ang San Beda sa tie sa Lyceum of the Philippines University sa second spot. Sa ikalawang laro, nagbuhos si Ry dela Rosa ng 19 points para sa Jose Rizal University na umangat sa solo fourth sa 79-72 pagdispatsa sa San Sebastian.
Ang Bombers ay may 7-4 record, kalahating laro sa likod ng Pirates at tRed Lions.
Bumagsak ang Stags sa 3-8 card.
Iskor:
Unang laro:
Arellano (74) – Talampas 18, Yanes 11, Mallari 10, Valencia 10, Capulong 8. Ongotan 5, Villarente 4, Geronimo 4, Sunga 2, Dela Cruz 2, Rosalin 0.
San Beda (72) – Payosing 20, Puno 14, Jopia 11, Tagle 9, Alfaro 7, Cuntapay 6, Gallego 3, Cortez 2, Visser 0, Tagala 0, Llanera 0, Peregrina 0, Royo 0.
QS: 17-24; 35-43; 57-53; 74-72
Ikalawang laro:
JRU (79) – Dela Rosa 19, Pabico 9, Sarmiento 8, Medina 8, Delos Santos 7, Argente 7, Miranda 6, Guiab 6, De Leon 4, Arenal 3, Mosqueda 2, Ramos 0, Sy 0.
SSC-R (72) – Calahat 20, Re. Gabat 12, Are 10, Una 10, Escobido 9, De Leon 4, Castor 3, Felebrico 2, Sumoda 2, Desoyo 0, Shanoda 0, Ra. Gabat 0.
QS: 25-15; 40-29; 64-53; 79-72.