CAMP AGUINALDO – ISANG dating batang mandirigma ng Communist Party of the Philippine-New People’s Army at mga kasamahan nitong kadre ang tumangap ng tig P65,000 bawat isa para makapag bagong buhay sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) nitong nakalipas na linggo.
Ang mga nagbalik loob na CPP-NPA ay kinilalang sina Alias Bonbon, 18, at Alias Omar, 42, mga kasapi ng Guerrilla Front (GF) 53 makaraang sumuko sa 19th Infantry Battalion sa kasagsagan ng focused military operations (FMO) sa Arakan Valley Complex.
Si alias Bonbon ay 14 lamang ng makalap ng NPA sa kanilang bayan sa Magpet habang si Alias Omar ay beteranong mandirigma ng NPA at nagsilbing Vice Squad Leader.
Tinangap ng dalawa ang kanilang tseke mula kina DILG Provincial Director Ali Abdullah at Lt. Col. Benjamin Dao-on, Commanding Officer of 19th Infantry Battalion sa North Cotabato Provincial Capitol sa Kidapawan City.
Ang E-CLIP ay isang programa ng gobyerno na ang layunin ay pagaanin ang pamumuhay ng mga dating rebelde sa pamamagitan ng pagkaka-loob ng panimulang puhunan at iba pang mga pangkabuhayan packages.
Kasunod nito ay puspusan ngayon ang ginagawang panghihikayat ng 19th Infantry Battalion sa hanay ng mga remnants ng Communist New People’s Army Terrorists (CNT) sa Arakan Valley Complex para magbalik loob na sa pamahalaan. VERLIN RUIZ
Comments are closed.