GOOD day mga kapasada!
Mga kapasada, malugod pong ipinararating ng pitak na ito sa inyong kaalaman ang tungkol sa “new law bans small children from riding MC” simula noong Mayo 19, 2017.
Ang naturang batas ay kakawing ng Republic Act No. 10666 oang “Children’s Act of 2015,” na nagbabawal sa sino mang tao, driving two wheeled motorcycle from taking a child for a ride along public roads na kung saan nagkakaroon ng trapik o high density of fast moving vehicles, mahigpit na ipinatutupad ang mahigit sa 60 kilometers per hour speed limit.
Kaugnay nito, nagpalabas ang Land Transportation Office (LTO) ng massive developmental information campaign para sa kapakanan ng mga nagmamay-ari ng motorsiklo para maiwasan ang massive traffic accident na kakambal ang damage to properties at pagpanaw ng buhay ng wala sa panahon thru reckless imprudence.
PANUNTUNANG GABAY (Point Guidelines)
Para sa ibayong ikauunawa ng mga motorcycle riding public, minabuti ng LTO na magpalabas ng mga gabay at panuntunan sa paggamit ng Motorcycle tulad ng:
- Ano ba ang RA 10666 o ang Children’s Safety Act of 2015?
Ayon sa LTO, ang RA 10666 o ang Children’s Safety Act of 2015 ay mahigpit na nagbabawal sa sino mang tao na magmaneho ng motorsiklo sa mga public roads na may kaangkas o with a child on board.
- Kailan ba ipatutupad ang naturang batas? Ang naturang batas ay nagkabisa noon pang Mayo 19, 2017.
- Ano-ano ba ang mga lansangang sakop ng naturang batas? Itinatadhana sa naturang batas ang pagbabawal sa pagpapatakbo ng motorsiklo na may kaangkas na bata sa mga pambansang lansangan sa buong bansa tulad ng:
- highways
- provincial roads
- mga lansangan sa barangay, kabilang din ang mga lansangan na kung saan nagkakaroon ng trapik, high density of fast moving vehicles o ang speed limit of more than 60 kph ay ipinatutupad.
- Ano-anong uri ng motorcycle ang sakop ng RA 10666?
Sakop nito ang two-wheeled motor vehicles na mayroong isa o two riding saddles.
- Are the children covered by the law? Ano-ano ang mga exemption?
A child refers to any person below 18 years old. Gayunman, kung ang child passenger can comfortably reach his feet on the standard foot peg ng MC, the child’s arms can reach around and grasp the waist of MC riders; at ang bata ay may suot na standard protective helmet o kaya ay mayroon itong suot na refectory vest.
- How about medical emergencies? Itinatadhana sa naturang batas na hindi kasali rito ang mga kasong may kinalaman kung ang bata ay kailangang isugod sa pagamutan para sa kagyat na paglalapat ng lunas kung magkaroon ng ‘di inaasahang pangangailangan para sa medical attention.
- Ano-ano ang multang ipapataw sa lalabag sa batas na ito? Ang sino mang lalabag sa naturang batas at mga patakaran na itinatadhana nito ay papatawan ng parusang:
- first offense – Php 3,000
- second offense – Php5,000
- third offense – Php 10,000 at isang buwang suspension ng driver’s license.
- Sino ang magpapatupad (enforce) ng batas? Ayon sa Department of Transportation, and Land Transportation Office (LTO) ang binigyan ng kapangyarihan na mag-deputize ay ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP), Manila Metropolitan Development Authority (MMDA) at ng mga Local Government Units (LGUs) to carry out enforcement functions and duties.
- Bakit mahalaga ang batas na ito? Lubhang mahalaga ang batas na ito dahil sa ito ay isang “pro-active approach to secure the safety of child passengers and it is the policy of the state to protect the safety of children”.
ANO ANG HINDI KASAMA SA 10-POINT GUIDELINES?
Itinatadhana sa Children’s Safety on MC Act of 2015-10 na hindi sakop ng 10 point guidelines ang:
- If you are in violation of the law and it results in injury or even death of a child presence o any other persons, ay papatawan ng parusang pagkakulong ng isang taon. Gayundin ang operator ng motorsiklo ay papatawan din ng katulad na parusa.
- Ang naturang multa ay maaaring itaas ng Land Transportation Office minsan kada tatlong taon. Gayunman, bago ipatupad ang pagtataas ng multa ay kailangang magkaroon muna ng public consultation, kada tatlong taon sa halagang hindi sosobra sa 20 porsiyento ng halagang itataas o ia-adjust.
RA 10913 OR ANTI-DISTRACTED DRIVING ACT IPATUTTUPAD
Sa kasabay na pagkakataon, ipatutupad na rin ang Anti-Distracted Driving Act na nagkaroon ng bisa noong Mayo 18, na nagbabawal sa mga motorista sa paggamit ng mga communication devices and other electronic gadgets habang tumatakbo ang sasakhan o kaya ay temporarily stopped on a traffic light or an intersection.
Ayon sa DOTr, ang lahat ng kautusang ito ay ipinatutupad alang-alang sa kapakanang pangkaligtasan ng bawat mamamayan at upang mapanumbalik ang pagtitiwala ng mamamayan sa public institutions sa pamamagitan ng pagpapabuti ng mga umiiral na procedure ng pamahalaan.
Samantala, ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ay magpapalabas ng mga guidelines tungkol naman sa kung saan ilalagay ang mga signboards sa windshields ng mga public utility vehicles, samantalang inihayag naman ng LTO na sa malaot madali ay ipagbabawal na rin ang mga dark tints sa mga vehicle windows.
Ayon kay Atty. Aileen Lizada, LTFRB spokesperson, nakatatanggap sila ng maraming katanungan kung bakit ang gadgets ay hindi pinahihintulutan na ilagay sa mga dashboard ng sasakyan sa ilalim ng kahingian ng Anti-Distracted Driving Act (ADDA) samantalang binibigyan naman ng pahintulot ang pagkakabit ng mga signboard sa mga PUV windshield.
Nilinaw naman ni Atty. Lizada na “what we don’t like is for a driver to have a blind spot na nalalagyan ng gadgets or accessories on top of the dashboards. The line of sight must be cleared” diin ni Atty. Lizada.
Idinagdag ni Atty. Aileen Lizada na ‘yun din ang kanilang pinag-uusapan na kung saan ligtas na ilagay ang mga signboard sa public utility vehicles (PUV).
Ayon pa kay Atty. Lizada, ang iba pang mga bagay na kailangan nilang matalakay sa stakeholders ay ang “requiring conductors inside jeeps so driver will not get distracted when passengers pay fares.”
Sinabi ni Atty. Aileen Lizada, na anytime soon ilalabas ng LTFRB ang memorandum circular which will include guidance for PUVs upang malinis at walang sagabal sa mata ang kanilang dashboard sa non electronic accessories.
Kabilang sa accessories na hindi kasama sa ADDA ay yaong sakop ng 2014 joint administrative order (JAO) ng Department of Transportation and Communication (DOTC).
Samantala, sakop naman ng Joint Administrative order 2014 No. 1 ang public and private vehicles. Ang mga driver who will not clear their dashboard ay papagmultahin ng Php5,000 at i-impound ang kanilang minamanehong sasakyan.
Gayundin, sinabi ni Atty. Aileen Lizada na ipinagbabawal din sa naturang kautusan sa mga driver na nagme-make-up o umiinom ng kape samantalang nagmamaneho in temporary stoppage – acts that fall under the reckless driving.
TAKE NOTE
DEFENSIVE DRIVING – Oncoming vehicle crosses the center in a curve. The best defense is you must know how to take the curve. The national Safety Council suggests: “slow down before you enter the curve. On right hand curves, keep to the right edge of the pavement, and on left hand curves, keep in the middle of your lane. Apply powers to the wheels when in the curve. This will cut down the effect of centrifugal force which causes the vehicle to cross the center line on a curve.”
HAPPY MOTORING!
KAUNTING KAALAMAN – Itinatadhana sa R.A. 4136 na “no person shall operate any motor vehicle without first procuring a license to drive a motor vehicle for the current year…” before one is licensed to drive by the LTO, however, he must met the following requirements: physically fit to drive – sight and hearing are normal as certified by a reputable physician. No person shall be issued a professional driver’s license if he is suffering from highly contagious diseases, such as, advanced tuberculosis, gonorrhea, syphilis o HIV.
LAGING TATANDAAN: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.
Comments are closed.