CHINA ANG MAY PINAKAMARAMING INTERNET USERS SA BUONG MUNDO

ANG Internet ay isang glo­bal computer system of interconnected computer networks na gumagamit ng standardized communication protocols para makapagbigay ng pasilidad sa impormasyon at komunikasyon at makonekta ang mga devices sa buong mundo. Nagsimula ang Internet noon pang 1960s nang ikomisyon ng United States government ang research upang buuin ang komunikas­yon gamit ang computer networks. Nagsimula naman ang file sharing noong 1970s.

Sa ngayon, halos lahat na ng bahay sa buong mundo ay may internet access. Kailangang kailangan ito sa komunikasyon, negosyo, at ma­ging sap ag-aaral, lalo pa sa panahon ng pandemya.

Heto ang sampung bansang may pinakama­raming gumagamit ng internet sa buong mundo:

  1. China – 765 million
  2. India – 391 million
  3. United States – 245 million
  4. Brazil – 126 million
  5. Japan – 116 million
  6. Russia – 109 million
  7. Mexico – 75.94 million
  8. Germany – 73.43 million
  9. Indonesia – 66.45 million
  10. United Kingdom – 62.35 million

Kitang kitang China ang may pinakamaraming internet users – na dapat lang dahil sila ang may pinakamalaking populasyon sa buong mundo. Pumapangalawa ang India, at pangatlo lamang ang United States. Sorry, hindi kasali ang Pilipinas sa top 10. Siguro, dahil hindi lahat ay may kakayahang bumili ng cellphone. – SHANIA KATRINA MARTIN