NAG-ORIGINATE ang nail polish sa China at ginagamit na ito ng kanilang kababaihan mula pa noong 3000 BCE. Noong 600 BCE, sa panahon ng Zhou dynasty, gusto ng royal house ang mga kulay na ginto at pilak. Gayunman, napalitan ang mga metallic colors ng pula at itim bilang royal favorites.
Noong 1932, ibinenta ng Revlon ang unang nail polish bilang opposition sa stain-using formula na ginagamit sa automobile paint industry.
Sa ngayon, ang pinakamahal at pinakasikat na brand ng nail polish ay Essie. Rekomendado ito ng mga malalaki at sikat na nail salons sa buong mundo.
Naging popular naman ang katawagang Cutex sa nail polish dahil noong 1911, nagsimulang magbenta si Northam Warren ng Cutex, isang liquid preparation na nakakatanggal ng dead cuticle tissue na hindi na kailangang gupitin ng nipper – kaya pinangalanan itong ‘Cut-ex’. Sa madaling sabi, ang Cutex ay brand ng nail polish.
Eventually, gumawa na rin ang Cutex ng nail polish na ang chemical composition ng basic clear nail polish ay mula sa nitrocellulose na tinunaw sa butyl acetate o ethyl acetate. Ang nitrocellulose ay nakakagawang makinang na film habang nag-e-evaporate ang acetate solvent.
Kung nagtataka kayo kung bakit kinukulayan ng kababaihan ang kanilang kuko, heto ang dahilan: ang well-manicured nails ay panlabas na simbolo ng health, femininity at social status. Kung marumi at malutong ang kuko, nangangahulugang ang may-ari nito ay burara o kaya ay may sakit. – SHANIA KATRINA MARTIN