PASAY – NILAGDAAN na ng mga opisyal ng Hunan Province People’s Republic of China at ng gobyerno ng Bulacan ang “Letter of Intent on the Establishment.”
Pinangunahan ni Governor Xu Dazhe ng People’s Government of Hunan Province, kasama sina Chen Zhongbo, Deputy Secretary-General and Director General, Cao Huiquan na siyang director general of Human Economic and Information Technology Commission ang nasabing okasyon.
Si Xu Zhengxian ang director-general ng Foreign and Overseas Chinese Affairs, si Bai Lianyang, ang deputy party Secretary for Agricultural Sciences.
Kabilang din sa delegasyon si Mayor Zhang Zhiheng mula sa siyudad ng Yiyang.
At si Liu Qifeng na vice president ng Hunan Provincial People’s Association for Friendship with Foreign Countries, at si Yang Hongwei na Party Secretary at presidente ng Hunan Road and Bridge Construction Group Co. LTD.
Habang sa panig naman ng Bulacan, kabilang sa lumagda sina Governor Wilhelmino Sy-Alvarado at Vice Governor Daniel Fernando, dating Pandi Bulacan Mayor Enrico Roque, at Bulakan, Bulacan Mayor Patrick Meneses, dating San Jose del Monte City Mayor Reynaldo San Pedro at si Arlene Pascual ng Provincial Planning and Development.
Layon ng pagkakaibigan ang pagkakaroon ng malaking pondo sa pagpapagawa ng infra project mula sa nabanggit na probinsiya sa China.
Kung saan maglalaan ng P50 bilyon ang Hunan province para sa Bulacan upang pataasin pa ang ekonomiya nito na tutugon sa pangangailangan ng mga Filipino.
Nangako si Governor Dazhe na nais niyang makatulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga taga-Bulacan. THONY ARCENAL
Comments are closed.