(China Coast Guard umarangkada na naman) RE-SUPPLY BOAT NG BFAR INATRASAN, GINAMITAN NG CHOPPER

NITONG Linggo, muling inakusahan ng Pilipinas ang Chinese coast guard ng mga peligrosong maritime maneuver nang tangkaing harangin ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na maghahatid ng supplies sa mga mangingisdang Pilipino malapit sa pinag-aagawang bahura.

Sa ulat, muling umarangkada ang China sa pangha-harass sa barko ng Pilipinas na naghahatid ng supplies sa mga mangingisda.

Ito umano ang ikalawang pagtatangka ng China Coast Guard na harangan ang mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sa pinakahuling insidente, sa kasagsagan ng ginawang resupply mission ng BRP Datu Sanday ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Bajo de Masinloc shoal ay hinarass ng CCG ang barko ng BFAR.

Dito, muling naglagay ng floating barrier ang CCG upang tangkaing pigilan ang pagpasok ng naturang BFAR vessel sa lugar bukod sa dangerous maneuver.

Makikita pa sa ibinahaging video ng Philippine Coast Guard, ang pagmamaniobra ng paatras ng CCG vessel para lang harangan ang barko ng Pilipinas.

At dito ay ni-radio challenge ng Pilipinas ang barko ng CCG ngunit nagdeploy naman ng helicopter ang Chinese Navy mula sa kanilang warship upang bantayan ang galaw ng BFAR vessel at mga Pilipinong mangingisda sa lugar.

Hindi nagpatinag ang BFAR at nagdeploy din sila ng isang cessna plane para naman i-monitor ang umano’y panghaharas na ginagawa ng China Coast Guard.

Samantala, ayon sa PCG ay nagawa pa ring malagpasan ng barko ng Pilipinas ang presensya ng China sa lugar at matagumpay na naipamahagi ang tulong sa 44 na mother fishing boats sa Bajo de Masinloc.

Nabatid na tatlo sa apat na barko ng China dumikit sa BRP Datu Sanday na namimigay naman ng supply fuel sa mga mangingisda malapit sa Scarborough Shoal nang dikitan sila ng China Coast Guard vessels.

Kabilang ang tatlong sa apat na Chinese vessels na dumikit ng halos 100 meters lamang sa Datu Sanday’s bow bukod pa sa isinagawang shadowing, vessel transponder jamming at “dangerous maneuvers”.

“Despite these maneuvers, the skipper of BRP Datu Sanday exhibited excellent seamanship skills and managed to evade the blocking attempts,” pahayag naman ni Commodore Jay Tarriela, taga pagsalita ng Philippine Coast Guard uard spokesman on South China Sea issues hinggil sa mga usapin sa South China sea.

Kaugnay nito, ikinakalat naman ng China sa kanilang social media at maging ang kanilang state-run Global Times ay nagsabing itinaboy ng China Coast Guard ang Datu Sanday dahil sa iligal nitong pagpasok karagatang sakop ng China’s Huangyan Island” ang Chinese name nila para sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal. VERLIN RUIZ