UPANG matugunan ang language barrier sa pagitan ng mga tauhan ng Bureau of Customs at airport personalities at Chinese travelers ay nag-alok ang konsulado ng China ng translator device.
Ayon kina Wang Minhao, head of consulate ng Chinese Embassy at Consul Cao Kaiwen layunin nito na matugunan ang language barriers sa Chinese travelers.
Nabatid na nagkaroon ng pagpupulong sa pagitan ng Bureau of Customs at mga kinatawan ng Chinese Embassy sa Ninoy Aquino International Airport kamakailan.
Nakasentro ang nasabing pagpupulong sa pagpapalakas ng collaboration sa pagitan ng dalawang ahensiya upang mapabilis ang air cargo shipments para sa mga Chinese traveler.
Personal na dumalo ang head of consulate na si Wang Minhao at Consul Cao Kaiwen bilang kinatawan ng Chinese Embassy.
Dumalo rin ang mga BOC Port Official sa pangunguna ni District Collector Carmelita Talusan.VERLIN RUIZ