Ang Filipino at Tsino Magkaibigan Foundation sa pangunguna ni Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) President Dr. Cecilio K. Pedro at mga kinatawan ng Chinese Embassy in Manila.
NASA mahigit 2,000 relief packages ang inihatid ng China Embassy katuwang ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) para sa mga nasunugan sa Isla Puting Bato sa Tondo, Manila.
Ayon sa tagapagsalita ng Embahada ng China, bahagi rin ng paghahatid saya ngayong kapaskuhan ang ginawang pagdalaw ng kinatawan ng Chinese Embassy sa libolibong biktima ng malaking sunog sa Tondo.
Nakapaloob sa may 2,000 relief packages ang bigas, damit at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga nasunugan sa kanilang pagsisimulang pagbangon.
“As the spirit of Christmas reminds us of the importance of unity and compassion, we stand alongside those in need, bringing hope and support during these challenging times. Our Embassy and the FFCCCII stand in solidarity with our Filipino friends as they rebuild with resilience, strength, and hope,” ani Ambassado Huang Xilian.
Nabatid pa kay FFCCII President Dr. Cecilio K. Perdo na bukod sa nasabing donasyon ay nakalikom din ang Filipino at Tsino Magkaibigan Foundation na binubuo ng may 30 major Filipino Chinese business, civic and cultural federations na pinangungunahan ng FFCCCII, ng P60 million halaga ng bigas, sardinas, noodles at iba pang relief goods para sa mga nasalanta ng bagyo sa Bicol region, sa iba pang lalawigan at maging sa Metro Manila areas na nasalanta ng nagdaang anim na bagyo.
VERLIN RUIZ