CHINA ENVOY IPINATAWAG SA WATER CANNON ATTACK

NIANUNSIYO ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas na ipinatawag nito ang mataas na opisyal ng embahada ng China dahil sa “harassment sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas” sa South China Sea.

“The Philippines protested the harassment, ramming, swarming, shadowing and blocking, dangerous manoeuvres, use of water cannons, and other aggressive actions of China Coast Guard and Chinese Maritime Militia vessels against” Filipino government vessels,” sinabi nito sa isang pahayag.

Ipinatawag ng DFA si Zhou Zhiyong, ang number two official
sa embahada ng China sa Maynila, dahil sa insidente noong Abril 30 na sumira sa isang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at isang bangka ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) malapit sa kontrolado ng China na Scarborough Shoal.

“China’s aggressive actions, particularly its water cannon use, caused damage to vessels of PCG and BFAR. The Philippines demanded that Chinese vessels leave Bajo de Masinloc and its vicinity immediately,” sabi nito.

Hindi kaagad tumugon ang embahada ng China rito.

Noong Martes, sinabi ng tagapagsalita ng Chinese foreign ministry na si Lin Jian sa mga mamamahayag na ang China Coast Guard ay gumawa ng “mga kinakailangang hakbang” laban sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas na lumabag sa teritoryo ng Beijing.

Ang mga hakbang na ito ay “alinsunod sa batas, at ang paraan ng paghawak nito sa sitwasyon ay propesyonal,” giit ni Lin, ayon sa mga transcript na inilabas ng embahada ng China sa Maynila.

Ang insidente noong Martes ay isinagawa habang ang Pilipinas at Estados Unidos ay nagdaos ng isang military exercises na minanmanan ng Beijing. MA. LUISA GARCIA