MAKAAASA ang mga Filipino ng marami pang China-funded infrastructure projects na ilalatag sa susunod na taon, ayon kay Chinese Ambassador Zhao Jianhua.
Sa kanyang talumpati sa groundbreaking ceremony para sa dalawang China-Aid Bridges Project sa Pasig River, sinabi ni Zhao na minamadali na ng Chinese government ang paghahatid nito ng kinakailangang public infrastructure sa bansa.
Ayon kay Zhao, ilan sa mga proyektong ito ay kinabibilangan ng Kaliwa Dam, PNR South Long-Haul Railway, Subic-Clark Railway, at Mindanao River flood control project.
“More of such projects are already in the pipeline and are expected to roll out starting from next year,” wika ni Zhao.
“And a good news for the Pasig River, China is positively considering soft loans for 5 more bridges to make the two sides across the river more connected and integrated. All these infrastructure projects take time, and we’ll do our best to facilitate quality implementation of these projects,” dagdag pa niya.
Bukod sa dalawang tulay, ang mga proyekto tulad ng dalawang Dangerous Drugs Abuse Treatment and Rehabilitation Centers sa Mindanao na pinondohan ng China ay nagsimula na rin ang konstruksiyon.
Dagdag pa niya, ang Chico River Pump Irrigation Project, ang unang proyektong pang-imprastraktura na tinustusan ng Chinese soft loan, ay sinimulan na ring itayo. CAI ORDINARIO
Comments are closed.