TARGET ng Pilipinas na makakuha ng bagong grant mula sa Chinese government para pondohan ang P6.955-billion na panukalang bridge project na magdurugtong sa Panglao Island at mainland Tagbilaran City sa lalawigan ng Bohol, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon sa DPWH, pinayagan na ito ng National Economic and Development Authority (NEDA) para ituloy ang proyekto.
Nakapagsumite na rin ang ahensiya ng mga kinakailangang dokumento para makakuha ng pondo
“We are looking forward [to] the approval of official development assistance through a grant from China for the proposed Panglao-Tagbilaran City Offshore Bridge Connector (PTCOBC) Project,” wika ni DPWH Undersecretary Emil Sadain.
Ang planong four-lane, 2.7-kilometer bridge ay inaasahang magpapabilis sa biyahe sa pagitan ng dalawang lugar mula sa kasalukuyang 45 minuto sa 15 minuto.
Ayon kay Sadain, ang tulay, na itatayo sa cable-stayed design, ay magsisilbing alternative route sa Jacinto Borja Bridge at Ambassador Suarez Bridge.
Sinabi ng DPWH na kinumpirna na ng Department of Finance (DOF) noong 2020 na ang proyekto ay mapapasailalim sa China grant ng Economic and Commercial Counselor ng Chinese Embassy.
Gayunman, binanggit din nito ang posibilidad na makakuha ng financing support mula sa Japan International Cooperation Agency.