CHINA, LARGEST TRADING PARTNER NG PILIPINAS SA LOOB NG 6 NA TAON

IPINAGMALAKI ng China na sila ang pinakamalaking trading partner ng bansa sa loob ng mahigit anim na taon, ayon sa Chinese Embassy dito sa bansa.

Sa inilabas na pahayag ng Chinese Embassy, base sa datos ng Department of Trade and Industry (DTI Philippines), ang total trade volume sa pagitan ng China(mainland) at Pilipinas nitong 2021 ay umabot sa USD38.3 billion.

Nagpapakita ito ng taon taong paglago ng may 24.9% porsiyento. Ang nasabing pigura ay kumakatawan sa 20% percent ng total foreign trade ng Pilipinas.

Umaabot sa USD11.6 billion ang iniluwas na kalakal ng Pilipinas sa China na nakapagtala ng 17.5 percent year-on-year increase na kumakatawan sa 15.5% ng total export ng Pilipinas.

Kung isasama pa ang Hong Kong ang Philippines’ export to China ay aabot sa USD21.5 billion –na halos 30% ng total export ng bansa.

“I wish the bilateral trade between us reach new high in 2022!” ani Chinese Ambaasador Huang Xilian.

Kabilang sa mga kalakal na iniluluwas ng Pilipinas sa China nitong 2021 ay electronics product na umaabot sa USD5.8 Billion na sinasabing lumobo ng 4.1 percent.

Umakyat naman sa USD830 million ng agricultural products kabilang ang coconut products(USD150 million) at banana products(USD390 million); USD110 million of fishery products,na nagtala ng 200% percent increase at USD40 million ng forestry products na nakapagtala ng 80 porsiyentong paglaki.
VERLIN RUIZ