CHINA MAY TEMPORARY BAN SA PAGBEBENTA NG WILD ANIMALS

China

INIUTOS  ng Ministry of Agriculture, State Administration for Market Regulation, at  National Forestry and Grassland Administration ng China  ang pansamantalang pagbabawal sa pagbebenta ng mga wild animal  habang patuloy na gu­magawa ng paraan ang bansa upang ma-contain ang nakamamatay na virus    na nagsimula sa palengke   na nagbebenta ng wild animals.

Maging ang pagbibiyahe, pag-aalaga  ng lahat ng wild animal species  ay bawal  hangga’t hindi pa natatapos ang epidemya.

Naging sanhi ng kamatayan ng  56  katao at halos  2,000 ang  may infection sa China,  na kumalat na sa maraming mga bansa.

Matagal nang  ina­akusahan ng mga conservationist ang China  sa  pagwawalang bahala  sa   ilegal na kalakalan ng  exotic animals bilang pagkain o   mga sangkap  sa traditional medicines,  kabilang ang mga tinatawag na  highly endangered species  katulad ng pangolin o  tiger.

Comments are closed.