(China muling nanindigan) WEST PH SEA KANILANG FISHING GROUND

MULING pinangatawanan ng China na “traditional fishing ground” ng mga mangingisdang Chinese ang West Philippines Sea (WPS).

Sagot ito ng Chinese Embassy kasunod ng inihaing diplomatic protest ng Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa presensiya ng daan daang barko ng China na ilegal umanong nag-o-operate sa karagatan ng Julian Felipe Reef noong Abril.

Giit ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, magkasalungat ang claims ng DFA at gobyerno ng China sa maritime issue na aniya’y maliit na bahagi lang ng relasyon ng dalawang bansa.

Sinasabing ang mga barkong pangisda ng China ay nasa bahagi ng karagatang inaangkin ng China.

Sinasabing inaangkin din ng China ang Julian Felipe Reef, na tinatawag nilang Niue Jiao. May nagsasabing may mga sand bars sa bahura na nakaangat sa tubig kahit high tide.

“If so, they can be claimed as Chinese territory and are entitled to a 12 nautical mile territorial sea.

Again, if so, and the vessels are moored within 12 nautical miles of them, then they are in a territorial sea around a disputed legal rock claimed by China, the Philippines and Vietnam. Whitsun Reef is also within 12 nautical miles of Grierson Reef —a legal rock occupied by Vietnam but also claimed by China.

Moreover, the boats were not fishing, so they were not violating any country’s fishing laws. A Philippines task force statement said, “They may be doing illicit activities at night and lingering presence may cause irreparable damage to the environment[.]” But this was only speculation. The task force also alleged that the boats were a “hazard to navigation and safety of life[,]” although no specific evidence was provided.

Basically the critics were throwing the kitchen sink at China,” ayon sa isang Chinese embassy official

Samantala, wala pang tugon ang Embahada ng China sa panibagong protestang inihain ng DFA kaugnay naman sa maritime activities nito sa loob ng 200-mile exclusive economic zone ng Manila.

Nabatid na naghain muli ng panibagong diplomatic protest ang Pilipinas sa umano’y paglalagay ng China ng mga buoys o markers na humaharang sa Ayungin Shoal. Posible umanong muling magkaroon ng suliranin sa paghahatid ng supplies sa mga sundalong nakatalaga sa area.

Sinasabing umaabot na sa mahigit 300 reklamo ang isinampa ng Pilipinas laban sa mga ilegal na aktibidad ng Beijing sa West Philippine Sea.

Samantala, magsasagawa ng maritime sovereignty patrol sa Philippine Rise ang Naval Forces Northern Luzon ng Northern Luzon Command (NOLCOM) na pinamumunuan ni Lt Gen Ernesto Torres Jr., bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-124 na Araw ng Kalayaan. VERLIN RUIZ