CHINA NAG-SORRY (Sa Recto Bank incident)

china

NAG-SORRY na ang China sa mga mangingisdang Pinoy na nasangkot sa Recto Bank incident.

Ito ay halos tatlong buwan matapos ang nangyaring ‘hit and run’ o ang  pagbangga at pag-abandona ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Filipino sa bahagi ng Recto/Reed Bank.

Sa inilabas na memorandum ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa kanilang Twitter account, makikita rito ang bahagi ng apology letter ng China para sa mga Filipino  fishermen.

Bagaman anila hindi sinasadya ang natu­rang pangyayari ay dapat akuin ng bangkang pangis­da ng China ang malaking responsibilidad sa nangyari.

Hiniling naman sa Filipinas na maghain ng apela para sa civil compensation base na rin sa halagang nawala sa mga mangingisda dahil sa pangyayari.

Ang paghingi ng paumanhin ng China ay  bago ang pagbisita sa kanilang bansa ni  Pa­ngulong  Rodrigo Duterte kung saan plano niya talakayin kay Chinese President Xi  Jinping ang  arbitral victory  ng bansa  noong  2016 na nagbabasura sa claim ng Beijing sa pinag-aagawang  South China Sea.

“We believe that, although this accident was an unintentional mistake of the Chinese fishermen, the Chinese fishing boat should however take the major responsibility in the accident,” ayon sa China.

“Our association will urge the ship owner of the fishing boat involved to actively coordinate with the Philippine side to expedite the latter’s claim for compensation according to the procedures for insurance claim.”

Ang barkong Tsino ay nakarehistro sa Guangdong, na pag-aari ng  Chinese association.

Nauna rito ay itinanggi ng Embahada ng China sa Manila na inabandona ng Chinese crew ang mga mangingisdang Pinoy, na kalaunan ay nailigtas ng  Vietnamese ship.