CHINA NAGBANTA

UMALMA ang China sa ginawang pagtanggal ng floating barrier sa Bajo de Masinloc at sinabihan pa ang Pilipinas na huwag nang gumawa ng gulo.

“We call on the Philippines not to make provocation or stir up trouble,” bahagi ng statement na inilabas ni Wang Wenbin tagapagsalita ng China Foreign Ministry matapos na alisin ng Philippine Coast Guard ang inilatag nilang 300 meter floating barrier sa bunganga ng Bajo de Masinloc na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Ayon kay Wang Wenbin; “ That’s what the Philippines tells itself. China’s resolve in safeguarding its sovereignty and maritime rights and interests over Huangyan Dao is unwavering”.

Iginiit lamang daw ng China ang kanilang karapatan sa Huangyan Dao.

Magugunitang maging sa panibagong usapin sa pagitan ng China at Pilipinas kaugnay sa mga sinirang coral reef ay tahasang inihayag ni Mao Ning na: The Philippines’ accusations have no factual basis. We urge relevant party of the Philippines to stop creating a political drama from fiction.

“If the Philippines truly cares about the ecological environment of the South China Sea, it should tow away the illegally “grounded” warship at Ren’ai Jiao (Ayungin Shaoal) as soon as possible, stop it from discharging polluted water into the ocean and not let the rusting warship bring irrevocable harm to the ocean”.

Hindi naman nagpatinag ang Pilipinas at sinabing umpisa pa lang ito ng mga hakbang ng gobyerno.

Tinuligsa ni Defense Secretary Gilbert Teodoro kahapon ang Chinese foreign ministry sa tila pagbabanta nito matapos na alisin ng Philippines Coast Guard’s ang floating barrier sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) sa West Philippine Sea.

Ayon kay Sec Teodoro, peligroso ang barikada sa kaligtasan ng mga mangingisda na pumapalaot papasok ng shoal lagoon.

“If it triggers something from China, it is just proving that [they have] total disregard for maritime safety,” ani Teodoro.

“Provocation na ba ‘yun sa kanila? Ano ba ang provocation, ‘yung paglalagay ng barrier o pagtatanggal na ilegal na harang? Hindi naman tayo nagi-stir ng trouble, hindi naman tayo ang kumukubkob eh,” paliwanag pa ng kalihim.

“Lalong-lalo na ‘yan ha banta na ‘yan. Ano ang reaksyon ng Pilipino diyan, tatanungin ko. Syempre, lalo tayong malalayo sa kanila,” dagdag pa ni Teodoro.

“Kailangan tutulan natin yun dahil meron tayong sovereign rights at saka territorial jurisdiction, territorial claims. Pero ‘yung mga pangkukubkob, undeniable ‘yun sa reclamation ng mga ginagawa nila, sa pagtataboy ng ating mga mangingisda,” paliwanag pa ni Teodoro na malinaw umano pagpapakita ng China na nais nitong makontrol ang buong China sea.

“Sino ba nagpo-pollute? Tayo ba o sila? Eh yung swarming ng vessels nila, alangan namang walang pollution yun.”

“Pangalawa, sino ba ang nanira ng marine environment para gumawa ng isla? Eh di sila… it’s like a pot calling a kettle black” dapat umanong tingnan ng China ang kanilang sarili.

Samantala, aarangkada na ngayong Lunes, October 2, 2023 ang taunang sabayang bilateral exercise sa pagitan ng Philippine Navy at United States Navy.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Lt. Col. Enrico Gil Ileto, gaganapin ang “Exercise Samasama” sa Naval Forces Southern Luzon area of operations.

Ito ang ika-anim na SAMASAMA Bilateral exercises ng mga hukbong pandagat ng dalawang bansa na nakatakdang ilunsad mismo sa Philippine Headquarters sa Maynila kung saan isasagawa ang pambungad na ehersisyo ng Philippine Navy at United States Navy.VERLIN RUIZ