LUBHA umanong nalungkot ang Chinese government sa inabot ng mga biktima ng Typhoon Odette sa Pilipinas kaya nagpasya itong magkaloob ng isang milyong dolyar cash assistance matapos nilang mag -donate ng tone-toneladang bigas.
Nagpahatid din ng pakikiramay si Chinese President Xi Jinping nitong Martes kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nagging epekto ng Typhoon Rai sa Pilipinas.
Kasunod ng pahayag na “In view of the devastation caused by Typhoon Odette that battered the Philippines recently, the Chinese Government has decided to provide an emergency cash assistance of One Million USD to the Philippine Government to support its relief and recovery efforts.”
Ayon kay President Xi shocked siya nang malaman na napinsala nang husto ang maraming lugar nang tamaan ng bagyo ang Pilipinas at maraming nasawi at nawasak na mga aria-arian.
Inihayag ni Chinese Ambassador to the Philippine Huang Xillian na naihatid na niya ang may 10,000 metric tons ng bigas na tulong ng China sa mga Filipinong naging biktima ng bagyo.
Ang nasabing cash donation ay karagdagan sa 20,000 food packages na umaabot sa PHP 8 million at rice donation na tinatayang nasa 4.725 million kilos.
Samantala, ang United States government, sa pamamagitan ng U.S. Agency for International Development (USAID), ay nagkaloob ng P10 million pesos ($200,000) bilang immediate assistance sa mga komunidad na nasira ng Typhoon Odette, na kay international name na Super Typhoon Rai. VERLIN RUIZ