CHINA NAGLUNSAD NG VISA APPLICATION CENTER SA PINAS

OPISYAL  na inilunsad ng Chinese Embassy sa Maynila ang Chinese Visa Application Service Center upang matugunan ang lumalaking bilang ng Pilipino na gustong bumisita sa China.

Inihayag ni Ambassador Huang Xilian na nanguna sa okasyon, ang China at Pilipinas ay natural na magkatuwang dahi sa heograpikal na lokasyon at mistulang magka mag-anak at tumatangkilik sa pagpapalitan ng mga kaalaman.

Ang sigasig ng mga Filipino na bumisita sa China at ang pangangailangan para sa Chinese visa ay lubha umanong mabilis na lumalaki nitong mga nakaraang taon.

“Ang aking Embahada ay walang pagod na nagtatrabaho upang mapabuti ang kapasidad sa pagproseso ng visa at kalidad ng serbisyo sa kabila ng kakulangan ng mga tauhan sa iba pang mga bottleneck.

Nananatiling hamon na matugunan ang tumataas na pangangailangan para sa visa application,” anang Chinese envoy.

“Upang mapadali ang aming serbisyo sa visa at makatulong na mapahusay ang people to people exchanges ay nagpasya kaming magtatag ng Chinese Visa Application Service Center,”ani Huang Xilian.

Ito ay isang desisyon batay sa masusing pag-aaral at sa suporta ng DFA at mga kaugnay na partido.

Ang bagong visa center na may perpektong lokasyon, maluwag na reception hall, mga pasilidad sa primera klase, may sapat na kapasidad sa pagtanggap, at isang propesyonal na management team, ay lubos na nagpapahusay sa efficiency and experience of visa processing, dagdag ni Ambassador Huang.

“It is an international practice to set up visa centers in countries where there is a great demand for visa application. So far, China has set up 100 overseas visa application centers in 52 countries around the world. Our partner, CYTS Corporation, is the winner among numerous competitors through rigorous selection and bidding processes.”

Samantala, ipinaliwanag ng ambassador na ang kanilang katuwang, ang CYTS Corporation, ang siyang nahirang mula sa maraming kakompitensya matapos na manalo sa bidding sa pamamagitan ng mahigpit na proseso sa pagpili at pag-bid.

Bilang isang komersyal na entity na lokal na nakarehistro at nagpapatakbo alinsunod sa mga batas ng Pilipinas, ang Visa Center ay pinagkatiwalaan ng Embahada na pangasiwaan ang mga aplikasyon ng visa sa pamamagitan ng pagbibigay ng on-site na pagtanggap, pagtanggap ng mga materyales sa aplikasyon, pagbibigay ng visa, at pagsagot sa mga kaugnay na katanungan.

Gayunpaman, ang desisyon sa pag-apruba ng visa ay nananatili sa Embahada.

Ang Visa Center ay inuuna rin ang seguridad ng data at magsasagawa ng mahigpit na mga hakbang upang maprotektahan ang privacy ng mga aplikante. Ang operasyon ng Visa Center ay nasa ilalim ng komprehensibong pangangasiwa ng Embahada upang matiyak ang pinakamahusay at pinakaligtas na serbisyo.

Dumalo sa opening ceremony ang mga kilalang personalidad kabilang sina Honorable Jesus Domingo, Undersecretary ng Department of Foreign Affairs, Honorable Benito Techico, Special Envoy of the President to the People’s Republic of China,the Vice General Manager of Beijing Information & Technology Corporation, the Chairman of China CYTS Tours Holding Corporation, Dr. Cecilio Pedro, Presidente ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII), Vice Chairman of the Federation of Filipino Chinese Associations of the Philippines Foundation Inc. (FFCAP),nang Presidente ng Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. (PCCCII),mga government officials, friends from diplomatic corps and the Chinese community.
VERLIN RUIZ