SA GITNA ng mga pangamba sa pagkakaugnay ng China sa development projects sa bansa, sinabi ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na dapat kilalanin ang Beijing at ituring na partner sa halip na isang banta.
Ayon kay Arroyo, sa pagtagal ng panahon ay maraming beses nang napatunayan ng China sa Filipinas na mali ang mga negatibong iniisip sa kanila sa ilalim ng pamumuno ni Pres. Xi Jinping.
Aniya, Trade Undersecretary pa lang siya noong 1980 nang simulang buksan ng China ang ekonomiya para sa pag-unlad at global trade setting, at naging katuwang na ng Filipinas sa development ang China.
“Little did we know that China is in a class of its own, and now, 40 years later under the presidency of Xi Jinping, it has be-come a partner in development. China, for us in the developing countries, is a market, a donor and a provider of capital and technol-ogy,” wika ni Arroyo sa harap ng mga lider, negosyante at academic institutions sa Boao Forum for Asia (BFA) sa Hainan, China.
Aniya, nakikinabang ang Filipinas sa transformation ng China dahil naging no. 1 trading partner ito ng bansa.
“As a market for instance, it has become the Philippines’ number one trading partner. So we have been able to benefit a lot by selling goods to China. Agricultural products for instance, if you eat a banana, it’s probably from the Philippines. So it’s been a very big market for the Philippines,” sabi pa ni Arroyo.
Bilang donor, sinabi ng Speaker na ang China ay major source ng tulong sa ilan sa mga malalaking proyekto ng bansa tulad ng paggawa ng lansangan, tulay, dam at iba pang imprastraktura.
“For instance, China has built bridges in the Philippines, it is building a dam for a water system and irrigation, and it will be building a major railroad. Not just one but two major railroads. So those are some of the ways by which China has benefited the Philippines,” dagdag pa ni Arroyo.
Bukod dito, ang China ay major market din, aniya, para sa Filipino-Chinese businessmen dahil nag-iinvest sila sa China.
“The Philippines actually has been investing in China for quite some time now because we have a very big Filipino-Chinese community, so I’m sure they can invest further in China. At the same time, China is also now investing more and more in the Phil-ippines. So this must be a win-win solution for the developing world.” CONDE BATAC
Comments are closed.