BEIJING, China – Lumagda ang HBIS Group, ang second-biggest steelmaker ng China, sa isang memorandum of understanding sa $4.4 billion project sa Filipinas na kalaunan ay magpoprodyus ng 8 milyong tonelada ng bakal kada taon.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), ang tinatawag na Philippine Iron and Steel Project ay magiging unang integrated steel complex ng Southeast Asian country at kinakatawan ang pinakamalaking industrial investment ng China sa Filipinas sa kasalukuyan.
Ang two-phase project na matatagpuan sa lalawigan ng Misamis Oriental sa Mindanao island, ay magpoprodyus ng 4.5 million tons ng hot-rolled coil at 600,000 tons ng slab taon-taon sa $3 billion first phase.
“Output capacity will reach 8 million tons through a second phase, with the overall construction and ramp-up period slated to span three-five years.”
“This project is very important to our industrial development and will allow us to pursue President (Rodrigo) Duterte’s vision of having a globally competitive integrated iron and steel industry,” pahayag ni DTI Secretary Ramon Lopez.
Ani Lopez, ang proyekto ay lilikha ng mahigit sa 20,000 trabaho.
Sa report ng state-run China Metallurgical News, inilarawan ni Jin Yuan, commercial counselor sa Chinese embassy sa Filipinas, ang proyekto bilang ‘important follow-up’ sa kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa bilang bahagi ng Belt and Road Initiative ng Beijing.
Bukod sa HBIS, lumagda rin sa kasunduan ang private equity firm Huili Investment Fund, Philippine rebar producer Steel Asia Manufacturing Corp at ang state-owned Phividec Industrial Authority.
Ang mga pasilidad sa complex ay kabibilangan ng sintering, coking, pelletizing at steel-rolling, na magpoprodyus ng basic iron at steel products.
Dagdag pa ni Lopez, ang proyekto ay magbibigay-daan para makapagprodyus ang Filipinas ng basic iron at steel products para masuplayan ang requirements ng downstream participants na kinabibilangan ng mga gumagawa ng bars, nails, paper clips, staple wires at metal sheets.