BUMILI ang China Telecom ng bidding documents, pormal na naghuhudyat ng paglahok nito sa selection process para sa susunod na major player sa telecommunications industry ng bansa.
Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) acting Secretary Eliseo Rio, Jr., ang Chinese telco firm ang ikalawang dayuhang kompanya, matapos ng Telenor Group ng Norway, na nagpahayag ng interes na maging ikatlong telco player sa bansa.
Ang China Telecom ay bumili ng bidding documents na nagkakahalaga ng P1 million dakong alas-11 ng umaga upang samahan ang iba pang prospective bidders TierOne Communications, sa pakikipagtulungan sa LCS Group of Companies, Udenna Corp., PT&T Corp., Now Telecom, at isang hindi kinilalang kompanya.
“This shows telcos’ confidence in the selection process that only Now (Telecom), out of 7, is challenging in court,” wika ni Rio.
Comments are closed.