CHINA TOP TRADING PARTNER NG PINAS

Erick Balane Finance Insider

MARAMI ang hindi makapaniwala sa pinakahuling datos na ipinalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan ang China ang top trading partner ng Fi­lipinas matapos itong magtala sa 1st quarter ng 2019 ng total trade na nagkakahalaga ng US$16.43 billion.

Ayon sa PSA, ang export receipts mula sa China ay pumalo sa US$4.62 billion, habang ang imports ay nasa US$11.80 billion na nag­resulta sa US$7.18 billion na trade deficit.

Paliwanag ng PSA, ang pinakamalaking sales ay mula sa electronic products na nasa US$2.52 billion o 54.6 percent ng Philippine exports sa China.

Indikasyon ito, ayon sa mga negosyante, na ang matibay na pagkakaibigan ng dalawang bansa ay hindi lamang nagpapatatag sa isa’t isa, kundi nagi-ging daan sa pag-unlad ng kanilang mga ekonomiya.

Samantala, sinabi ni Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III na unti-unting nakaka-recover ang tax collections ang  Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) matapos na makapagrehistro ng magandang koleksiyon mula Enero hanggang Oktubre dahil sa pagsisikap nina newly-installed BIR Regional Directors Jetrho Sabariaga (City of Manila), Albin Galanza (Quezon City – (A), Romulo Aguila Jr. (QC – (B), Maridur Del Rosario (Makati City – (A), Glen Gerardino (Makati City – (B) at Grace Javier (Caloocan City). Ito ay bunsod ng mga tax-mapping, ‘Oplan Kandado’ at massive tax campaign laban sa erring taxpayers.

Ibinigay ni Secretary Sonny kay BIR Deputy Commissioner for Operations Arnel Guballa ang kredito sa gumagandang tax collection performance ng kawanihan.

Umarangkada rin, ayon kay Secretary Dominguez, ang tax collections ng BOC dahil sa paghihigpit laban sa mga smuggler ng  kontrabando kung saan ang pagpupuslit ang ugat ng pagbagsak ng koleksiyon sa taripa sa Aduana.

Napanatili naman ng Makati City ang pangu­nguna sa annual financial report ng local government units.

Itinanghal ang Makati City bilang ‘richest city’ na ang pinagbasehan ay ang taong 2018 dahil sa assets nitong P230.83 billion, ayon sa report ng Commission on Audit (COA).

Pumangalawa ang Quezon City na may P87.2-B total assets, sumunod ang City of Manila na may P40.7-B.

Ang iba pang siyudad na kabilang sa top 10 ay ang Pasig City, P38.9-B; Cebu City, P33.8-B; Taguig City, P24.5-B; Caloocan City, P18.3-B; Pasay City, P18.2-B; Davao City, P16.2-B at Calamba na may P12.6-B.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, umaasa siya na dara­ting ang panahon na mauungusan nila ang Makati City bilang pinakama­yamang lungsod sa bansa.

Sinabi ni Mayor Joy na kanya ring ipatutupad sa siyudad ang pagkakaroon ng magandang kalusugan at kaunlaran matapos lumagda sa dalawang In-ternational Declarations – Good Food Cities at Clean Air Cities – sa World Mayor Summit kamakailan lamang sa Copenhagen, Denmak.

“One is the declaration to commit ourselves to clean air and the second is the declaration to commit ourselves to healthy foods and food security for our people,” ani Belmonte.

Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa  09293652344 / 09266481092 o mag-email sa [email protected].

Comments are closed.