CHINA TUTULONG SA PAGRESOLBA SA ENERGY ISSUES SA PHL

Chinese Foreign Minister Wang Yi

DAVAO CITY – TINIYAK ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na tutulong sila sa pagresolba sa energy issues sa bansa.

Sa kanilang pulong ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin, sinabi ng Chinese Secretary of State na bilang bahagi ng magandang relasyon ng dalawang bansa, ang Filipinas at China, ay kanilang susuportahan ang enerhiya.

Ipinagmalaki rin ni Wang Yi ang kagandahan ng kanilang teknolohiya.

“China has “mature” equipment, technologies, personnel, training and the financial capability to help the Philippines develop solar, hydro, wind and nuclear power,” ayon kay Wang.

Una nang nilagdaan ng mga economic managers ng dalawang bansa ang bilateral agreement sa pagitan ng dalawang bansa.

Bukod dito, nagbigay rin ng $1 million bilang ayuda sa disaster recovery program ang China hinggil sa nawasak ng bagyong Vinta noong 2017.

Nagbigay rin ng 50 million yuan para sa mga kagamitan ng pulis, sundalo at ng Philippine Drug Enforcement Agency para sa law enforcement kasama na ang kampanya sa laban sa droga.

Nasa pulong din si Usec. Ricardo Jalan, executive director ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), na siyang tumanggap para sa assistance sa disaster recovery program.

Magugunitang dumating sa bansa si Wang noong Oktubre 28 kung saan dumalo sa kaarawan ni dating DFA Secretary Alan Peter Cayetano na ginanap sa Marco Polo Hotel.

Sa unang pagharap ni Wang ay nakasuot ito ng polo barong na nagpapatunay na maganda ang relas­yon ng China sa Filipinas.   EUNICE C.

Comments are closed.