CHINA, U.S. NAGPATAW NG DAGDAG NA TARIPA

CHINA-US

BEIJING – Sini­mu­lan kahapon ng China at Estados Unidos ang pagpapataw ng karagdagang taripa sa kani-kanilang mga produkto na lalong nagpaigting sa ‘trade war’ ng dalawang bansa.

Epektibo 0401 GMT, ang Beijing ay nagpataw ng 5 percent na buwis sa US crude kung saan ito ang unang pagkakataon na tinarget ang petrolyo buhat nang magsimula ang ‘trade war’ ng dalawang pinakamalalaking ekonomiya ng mundo, mahigit dalawang taon na ang nakalilipas.

Sisimulan naman ng Trump administration ang pagkolekta ng 15 percent tariffs sa mahigit $125 billion na Chinese imports, kabilang ang smart speakers, Bluetooth headphones at maraming uri ng footwear.

Bilang ganti, sinimulan ng China ang panini­ngil ng karagdagang buwis sa ilan sa mga produkto ng Amerika sa $75-billion target list. Hindi binang-git ng Beijing ang halaga ng mga produkto na papatawan ng mas mataas na taripa.

Ang karagdagang buwis na 5 percent at 10 percent ay ipinataw sa 1,717 items ng kabuuang 5,078 produkto na nagmula sa Estados Unidos. Sisimu-lan ng  Beijing ang pa­ngongolekta ng dagdag na taripa sa iba pa sa Disyembre 15.

“The United States should learn how to behave like a responsible global power and stop acting as a ‘school bully’,” ayon sa official Xinhua news agency.

“As the world’s only superpower, it needs to shoulder its due responsibility, and join other countries in making this world a better and more pros-perous place. Only then can America become great again.”

Ayon sa official People’s Daily ng ruling Communist Party, ang taripa ay hindi makahahadlang sa pag-unlad ng China.

“China’s booming economy has made China a fertile ground for investment that foreign companies cannot ignore,” sabi nito sa isang komentaryo sa ilalim ng pangalan na ‘Zhong Sheng’, o ‘Voice of China’, na karaniwang ginagamit upang ihayag ang pananaw nito sa foreign policy issues.

Noong nakaraang buwan ay inihayag ni US President Donald Trump na tataasan niya ang umiiral na taripa ng 5 percent sa may $550-billion na hal-aga ng Chinese imports makaraang inanunsiyo ng Beijing ang sarili nitong retaliatory tariffs sa US goods.

“Tariffs of 15 percent on cellphones, laptop computers, toys and clothing are to take effect on Dec. 15.”

Comments are closed.