CHINESE AT MOROCAN PINIGILANG ‘MAKALIPAD’

PINIGILANG makaalis ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang puganteng dayuhan.

Kinilala ang mga suspek na sina Zhao Yaxin. 33-anyos, Chinese at Badr Ettachi, 32- anyos, Moroccan.

Nasabat ang mga ito ng BI Border Control and Intelligence Unit (BCIU) sa dalawang magkahiwalay na inseidente sa NAIA.

Ayon sa report, si Zhao ay naaresto sa NAIA Terminal 3 noong January 27, bago siya makasajat sa eroplano papuntang Guangzhou China.

Habang si Ettachi ay nahuli kinabukasan bago makasakay sa kanyang flight patungong Singapore.

Napagalaman na si Zhao ay wanted dahil sa pagkakasangkot ng economic crimes sa China, at si Ettachi ay pinaghahanap ng mga otoridad sa United Arab Emirates (UAE) dahil sa kasong may kaugnayan sa paglustay ng US$60,000 na ipinagkatiwala sa kanya ng kanyang kaibigan.

Nakarating din sa kaalaman ng BCIU na si Zhao ay mayroon warrant of arrest na inisyu ng Changing Hechuan District Court Public Security Bureau ng bansang China .FROILAN MORALLOS