BATAAN – ISANG chinese crew ang nasawi habang tatlo pa ang nawawala sa banggaan ng isang dredger at oil tanker nitong Biyernes sa karagatang sakop ng Corregidor Island.
Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), nakatanggap sila ng ulat hinggil sa banggaan ng MV Hong Hai 189 at MT Petite Soeur sa naturang katubigan.
Ang MV Hong Hai ay isang dredger na barko na huling dumaong sa pantalan sa Botolan, Zambales habang ang MT Petite Soeur ay isang chemical o oil tanker na barko na galing sa Mariveles, Bataan.
Batay sa update ng Coast Guars Sub-station Corregidor, sa lakas ng impact ng banggaan , lumubog ang MV Hong Hai. 189 na mag sakay na 20 crew.
Mabilis namang rumesponde sa lugar ang barko ng PCG ng BRP Capones kung saan naabutan nila ang rescue vessel na Heng Da 19.
Nailigtas ng Heng Da 19 ang 16 na crew ng lumubog na barko.
Nitong umaga ng Sabado, na-recover ng search and rescue team ng PCG ang bangkay ng isang Chinese crew malapit sa pinangyarihan ng trahedya.
Sa ngayon, tatlong crew pa mula sa mV Hong Hai 189 ang nawawala.
Ligtas din ang 21 crew ng MT Petite Soeur. EVELYN GARCIA