CAMP CRAME – BUMUO na ng technical working group ang Filipinas at China para pag-usapan ang pagtatayo ng Chinese desk sa bansa.
Ito ang inihayag ni PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa sa harap ng pagkabahala ng publiko dahil sa mga kinasasangkutang krimen ng mga Chinese sa Filipinas katulad ng kidnapping.
Ayon kay Gamboa, nakatuon pa lamang ngayon ang technical working group kung paano gagawin at ano ang mga intensiyon ng gagawing Chinese desk.
Kapag nagkasundo aniya ang technical working group sa paglalagay ng Chinese desk sa bansa ay bago lamang ito maisakatuparan.
Sa kabila naman na wala pang Chinese desk, tiniyak ni Gamboa na may direkta silang komunikasyon sa China sa pamamagitan ng kanilang embassy sa bansa.
Sa katunayan nag-iimbita pa ang China sa PNP para makabisita sa kanilang bansa ang ilang PNP personnel at kumuha ng specialized schooling upang mapag-aralang mabuti ang lengguwahe, kultura at maging sindikato sa China.
Ito ay para i-aapply sa Filipinas ng mga pulis ang mga estratehiya upang mahuli ang chinese na gumagawa ng krimen sa bansa. REA SARMIENTO
Comments are closed.