CHINESE DREDGER SUMADSAD SINAKLOLOHAN NG PCG

DREDGER

ZAMBALES- ISANG Chinese dredger ang sumadsad sa baybaying dagat sakop ng Botolan.

Nag-deploy ng response team ang Philippine Coast Guard (PCG) na magsagawa ng survey at inspection operations sa dredger na sumadsad sa nasabing karagatan.

Sa ulat ng PCG, ang MV Zhong Hai 69 Alfa, isang Chinese-registered dredger ay sumadsad  umano sa layong tinatayang 200 metro mula Barangay Bangan, Botolan.

Nadiskubre umano sa inspeksiyon na pinasok ng tubig dagat ang engine room at compartment ng barko.

Wala naman umanong nakitang indikasyon na pagtagas ng langis mula sa nasabing barko.

Tiniyak ni PCG Commandant Vice Admiral George V Ursabia Jr., na ang ginagawang pag-ahon sa sumadsad na dredger ay mahigpit na bin-abanta­yan ng kanilang mga tauhan kung saan patuloy ang isinagawang monitoring sa sitwasyon.

Ayon naman sa PCG Zambales, maglalaan umano ang Z2K Resources Inc., na operator ng barko ng karagdagang bilge pumps na gagamitin upang maalis ang tubig na pumasok sa barko. ROEL TARAYAO

Comments are closed.