CHINESE EMBASSY UMALMA

Chinese Coast Guard

INALMAHAN ng Chinese Embassy sa Filipinas ang umano’y mga maling paratang laban sa China kaugnay sa bagong batas na nagpapahintulot sa Chinese Coast Guard na gumamit ng puwersa o paputukan ang  foreign vessels.

Sa isang statement na inilabas ng embahada ng Tsina ay mariing pinuna ang sinasabing  mga maling akusasyon hinggil sa bagong China Coast Guard Law na pinagtibay kamakailan at ganoon din sa ilang isyu.

Ayon sa  Embahada ng Tsina  na ang naturang batas ay sang-ayon sa mga umiiral na international convention, at hindi nakatuon sa alin-mang partikular na bansa.

“China Coast Guard is an administrative law enforcement agency. The formulation of the Coast Guard Law is a normal domestic legislative activity of China. The content of the law conforms to international conventions and the practices of the international community.

Enacting such a coast guard law is not unique to China, but a sovereign right to all,”  pahayag ng Embahada.

“Many countries have enacted similar legislation. It is the Philippine Coast Guard (PCG) Law of 2009 that established the PCG as an armed and uniformed service. None of these laws have been seen as a threat of war,” dagdag nito.

Nilinaw ng  Embahada, ang pagpapatupad ng naturang kontrobersiyal na batas ay hindi  indikasyon na may pagbabago sa maritime policy ng Beijing.

Giit nito, nananatiling committed ang Beijing sa pagplantsa ng mga hindi pagkakaunawaan sa mga bansang may claim sa West Philippine Sea, tulad ng Filipinas, sa pamamagitan ng mga diyalogo at konsultasyon para pagtibayin ang kapayapaan sa pinagtatalunang teritoryo.

Sa isang news network, inihayag ng China na “Philippines shouldn’t be fooled by US on SCS issue.

Naniniwala rin ang China na may nagsusulsol sa ilang influential personality sa P bansa na kagagawan ng United States matapos na maghain ng diplomatic protest ang DFA sa bagong China Coast Guard Law.

“The diplomatic protest filed by the Philippines is more of a response to domestic pressure,” pahayag ni Li Kaisheng, research fellow and deputy director ng  Institute of International Relations of the Shanghai Academy of Social Sciences, sa pahayagang  Global Times.

Kapuna puna umano na isang araw matapos na maghain ng diplomatic protest ang Filipinas laban sa China hinggil sa coast guard law, ay agad na nagpahayag si US Secretary of State Antony Blinken ng kanilang suporta sa bansa  sakaling magkaroon ng armed attacks sa  South China Sea. “ It seems the US is encouraging the Philippines to clash with China. But will the US really come to the Philippines’ rescue when there is an armed conflict? Manila should be wise enough to see through the US tricks, not playing as cannon folder of the US’ South China Sea policy.  It’s the Philippines that will bear the bitter consequences when there is an armed clash with China,” ayon sa kanilang foreign ministry.

Kasabay nito, binanatan din ng Chinese embassy ang umano’y fake news laban sa Chinese Coast Guard.

Partikular na tinukoy ng embahada ang pangha-harass daw ng mga tauhan ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pinoy.

Sinabi ng Embahada na may ilan umano sa Filipinas na nagpapakalat ng aniya’y walang basehang balita, na posibleng dahil  sa pansariling interes o prejudice sa China. VERLIN RUIZ

Comments are closed.