CHINESE ENTREP SA PINAS

ISANG delegasyon mula sa China na kumakatawan sa 44,000 Chinese local-level chambers of commerce, ang interesadong mag-invest sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Finance (DOF), ang nasabing Chinese delegation ay naki­pagpulong kay Finance Secretary Carlos G. Dominguez III noong nakaraang Huwebes kung saan ipinahayag nito ang kanilang interes na maghanap ng investment opportunities sa bansa, gayundin ang makipagpartner sa iba pang business groups sa loob ng  Association of Southeast Asian Nations (ASEA) upang higit na mapalakas ang ugnayang pangkalakalan sa buong rehiyon.

Si Gao Yunlong, chairman ng All-China Federation of Commerce and Industry (ACFCI), ay sinamahan sa miting ng ­ilang Chinese investors na may kinalaman sa mga larangan ng aerospace and aviation, agriculture, energy, hotels, tourism at iba pang negosyo.

Ayon kay Gao, makatutulong ang Chinese private investments sa bansa para lalong mapabilis ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas at makapaghatid ng mga tunay na benepisyo sa mga Pilipino sa pamamagitan ng paglikha ng dagdag na trabaho at mas mataas na suweldo.

Aniya, bilib siya sa ‘economic development and social prosperity’ ng Pilipinas sa kanyang naunang pagbisita sa Manila.

“I bring a number of Chinese entrepreneurs with me and the mission of our delegation is to seek cooperation and opportunities in the Philippines, including investments and business cooperation,” wika ni Gao, na siya ring vice chairman ng national committee ng Chinese People’s Political Consultative Conference (CPPCC).

Napag-alaman na target din ng ACFIC na magtayo ng joint club na kabibilangan ng Chinese entrepreneurs at ng mga negosyante mula sa mga bansa sa Asya, kabilang ang Pilipinas.

Bilang tugon, ipinagbigay-alam ni Dominguez sa delegasyon na ang investment opportunities sa bansa ay bukas sa mga larangan ng private housing, food production and retail, manufacturing at tourism.

“The big investments now, in the Philippines, I think is going to be in private housing, food production, in the retail food business, in manufacturing–our manufacturing is growing last quarter at 18 percent. These are the areas we welcome investments,” ani Domiunguez.

Aniya, maaaring maki­pag-ugnayan ang delegasyon sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa paghahanap ng business partnerships at opportunities sa bansa at pakikipagpartner sa iba pang business groups sa buong ASEAN region.

“Tourism investment is also very important for us and we want to partner up Chinese entrepreneurs in tourism business because the Chinese entrepreneurs know what the Chinese tourists are looking for,” dagdag pa niya. REA CU

Comments are closed.