NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang AFP – Western Mindanao Command (Wescom) nang maobserbahan ang muling pagdami ng Chinese fishing vessels (CFVs) sa West Philippine Sea (WPS).
Base sa aerial patrols noong Setyembre 6 at 7, pinakamaraming CFVs sa Rozul Reef at mayroon naman lima sa Escoda Shoal at dalawa sa Baragatan Bank.
Sa pahayag ng Wescom, nakababahala ang presensiya ng CFVs dahil sa implikasyon nito sa maritime security, fisheries conservation, territorial integrity at marine environment preservation.
Noong Agosto 24, may 33 CFVs ang namataan sa Rosul Reef, na nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa at nagsisilbing marker papalapit sa Ayungin Shoal.
“The repeated swarming incidents in both Rozul Reef and Escoda Shoal emphasize the continuous violation of Philippine sovereign rights and jurisdiction in its western border,” ayon pa sa Wescom.