CHINESE FUGITIVE TIMBOG SA NAIA

chinese

PASAY CITY – NAHARANG at arestado ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)  ang isang pu­ganteng Chinese national na wanted sa Beijing, China dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang krimen sa kanilang bansa.

Inaresto sa kanyang pagdating sa NAIA Terminal 3 ang 42-anyos na si Wu Chuqui lulan ng Cathay Pacific Airlines mula Hongkong.

Ayon kay BI-Interpol Chief Atty. Rommel Tacorda, si Wu ay nasa Interpol’s red notice list ng wanted fugitives at agad ding pinabalik sa Hongkong kung saan siya inabangan at inaresto ng awtoridad ng China.

Sinabi ni Tacorda na si Wu ay wanted dahil sa kasong money laundering na kinasasangkutan ng illegal business operation at may warrant of ar-rest na inisyu noong Oktubre 2018 ng Public Security Bureau sa Shenzhen, Shantou, China.

Kapag na-convict aniya si Wu ay posible siyang maharap sa maximum penalty na 15 taong pagkakakulong dahil sa illegal busssiness activities.PAUL ROLDAN/FROI MORALLOS

Comments are closed.