CHINESE HINARANG SA PEKENG WORKING VISA

HINARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang babaeng Chinese dahil sa misrepresentation o pamemeke ng working visa.

Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Qiu Meiying, 35-anyos na na-intercept noong Marso 26 bago makapag-board sa kanyang flight patungong Xiamen China.

Ayon kay Morente, pinigil si Qiu ni Immigration Officer Jeremie Abana sa pagdaan nito sa immigration inspection matapos mapansin ang pangalan nito na kasama sa listahan ng Bureau’s watchlist.

Agad ito dinala sa BI legal division kasabay ng pagkumpiska ng kanyang pasaporte upang kaharapin ang kasong deportation laban sa kanya na nakabinbin sa tanggapan ng legal division sa immigration main office sa Intramuros.

Batay sa report si Qiu ay isa sa 20 Chinese nationals na nasa immigration watchlist bunsod sa nakabinbin na deportation Order ng BI Board of Commissio­ners noong pang buwan ng Oktubre nakaraang taon.

Napag-alaman na kinasuhan ng BI Pro­secutors ang 20 Chinese national dahil sa pamemeke ng kanilang employment permit para sa pag-aapply ng working visa sa bansa.

Nadiskobre na hindi nag-apply ng Alien Employment Permits (AEP) ang mga nasabing dayuhang sa Department of Labor and Employment (DOLE bago isyuhan ng Working visa ang mga ito upang makapagtrabaho sa Filipinas.

Si Qiu ay nakatakdang pabalikin sa China sa lalong madaling panahon at hindi na ito makakabalik sa bansa ayon sa pahayag ng Immigration. FROILAN MORALLOS

76 thoughts on “CHINESE HINARANG SA PEKENG WORKING VISA”

  1. Definitive journal of drugs and therapeutics. Get here.
    ed drugs
    drug information and news for professionals and consumers. Commonly Used Drugs Charts.

  2. What side effects can this medication cause? Everything what you want to know about pills.
    https://tadalafil1st.online/# tadalafil soft
    Everything what you want to know about pills. п»їMedicament prescribing information.

Comments are closed.