CHINESE MEAT PRODUCTS NAKUMPISKA

MEAT-2

NAKUMPISKA ng National Meat Inspection Service (NMIS) at Manila Veterinary Inspection Board (VIB) sa Binondo sa Maynila ang 60 kilos ng ipinagbabawal na Chinese meat products.

Ayon sa NMIS, ang naturang meat products ay kinabibilangan ng karne ng baka, baboy at peking duck na hindi pinahihintulutang i-export ng Chi-na.

Kasunod ng pagkumpiska ay inatasan ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang Bureau of Permits and Licenses Office (BPLO) na isara ang lahat ng shops na ilegal na nagbebenta ng imported meat products.

“Ang lahat ng tindahan na magke-cater ng ilegal na karne, lalo na ‘yang galing sa China na hindi allowed, babala ko po sa inyo, iwi-withdraw namin ang business permit ninyo,” anang alkalde.

“Kahit pa nagtitinda kayo ng hindi ipinagbabawal pero naglalagay naman kayo ng mga ipinagbabawal, ipasasara namin ang inyong buong negosyo,” pagbibigay-diin niya.

Inatasan din ng alkalde ang Manila City Legal Office na alamin ang kaukulang kaso na maaaring isampa laban sa nasabing mga meat shop.

“Sa lahat ng nag-iimport, huwag ninyong dadalhin sa Maynila itong mga ilegal na karne,” babala ni Domagoso.

“We will continue to protect the interests of the public. We thank the VIB and the NMIS,” dagdag pa niya.

Comments are closed.