CHINESE NA WANTED SA BI, BRITISH PA NASABAT SA NAIA

MORENTE

PARANAQUE CITY – NASABAT sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng immigration officer ang isang Chinese woman na wanted ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa pago-operate ng illegal online gaming sa bansa.

Ayon sa report na nakarating kay BI Commissioner Jaime Morente, kinilala ang suspek na si Chen Xiao Qing, 22-anyos at nahuli ito sa NAIA terminal1 noong Marso 27 bago makasakay sa kanyang Korean Airlines flight patungong Phnom Penh, Cambodia.

Si Chen ay naaresto sa immigration counter matapos lumabas ang kanyang pangalan sa listahan ng mga blacklisted na dayuhan o undesira-ble alien.

Lumabas din sa immigration data na mayroon siyang order of deportation ng BI noong pang Dec. 28, 2016, dahil sa pago-operate ng unlicensed online gaming establishment sa Filipinas.

Samantala, isang Briton din ang hinarang at kinilala itong si Nicholas Fawsitt, 34-anyos, na kabilang din sa BI’s watchlist.

Nakita sa travel record ni Fawsitt na siya ay overstaying alien at mayroong naka-pending na deportation order sa opisina ng BI Board of Commissioner kaugnay sa ilegal na paninirahan sa bansa sa loob ng limang taon. FROI MORALLOS

Comments are closed.