CHINESE NA WANTED TIMBOG SA BI

bureau of immigration

PASAY CITY – ARESTADO ng mga tauhan ng Bureau of Immig­ration (BI) Fugitive Search Unit (FSU) sa Pasay City ang isang Chinese  na wanted sa kanilang bansa dahil sa kasong large scale fraud.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente, ang suspek na si Xu Zhongqing, 36-anyos, at nahuli noon pang isang linggo sa Pacific Drive sa Pasay City.

Ang pag-aresto kay Xu ay alinsunod sa summary deportation order na inisyu ng BI noong Agosto 2016 bunsod sa pagiging undesirable alien.

Ipinalabas ng BI ang naturang order dahil sa kahilingan ng Chinese Embassy sa Maynila, upang mahuli  si Xu na nagtatago sa Filipinas para makaiwas sa prosecution sa kanyang kaso.

Nakarating sa kaalaman ng BI na wanted itong si Xu ng Chinese authorities dahil sa kinasasangkutan nito ng fraudulent banks transactions na umaabot ng mahigit sa 63 million yuan.

Sa kasalukuyan pansamantalang nakadetine itong si Xu sa BI detention Center facility sa Bicutan, Taguig City habang dinidinig ng BI Board of Commissioner ang kanyang deportation order. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.