CHINESE NAGSABOY NG TAHO KINASTIGO

CHINESE-PULIS

MANDALUYONG CITY – ARESTADO ang isang 23-anyos na Chinese na babae makaraang magwala ito at mambato ng taho sa rumespondeng pulis sa MRT –Boni Station.

Naganap ang insidente alas-8:30 ng umaga nang hindi payagan ng security guard si Jialz Zhang Nepu-muceno, 23-anyos, es-tudyante na sumakay ng MRT dahil may bitbit itong taho.

Nagpumilit umano ang dayuhan kaya aktong reresponde si PO1 William Cristobal para pahupain ang galit ng Chinese ay ibinato na sa kanya ang taho dahilan para tumapon sa uniporme nito.

Dahil isang pambabastos sa unipormado ang ginawa ni Jiale ay dinala na ito sa Mandaluyong Police.

Nagtungo rin si National Capital Regional Police Office Director Guillermo Eleazar upang idepensa ang tauhan nito na si Cris-tobal, nakatalaga sa RMFB 4th Mobile Company, NCRPO.

Kinausap din ni Eleazar ang estu­dyante at sinabing sumusunod lamang ang mga pulis sa atas sa kanila na magbigay ng seguri-dad para sa publiko kaya hindi dapat aniya bigyan ng masamang pag-iisip ang ginagawa ng mga ito.

Samantala, nabatid na pagdating sa presinto ay pinatawad din ni Cristobal ang Chinese subalit kinailangang tanggapin ang kaparusahan sa naging aksiyon nito.   VERLIN RUIZ

Comments are closed.