CHINESE NANGUNGUNANG TURISTA SA BORACAY

Boracay

AKLAN – ANG mga Chinese pa rin ang nananatiling pinakama­raming turista sa Boracay simula Ene­ro hanggang Marso ngayong taon.

Sa record ng Municipal Tourism Office ng LGU-Malay, nasa 363,832 ang kabuuang bilang ng mga turistang Chinese na bumisita sa isla mula Enero hanggang Setyembre o 44% ng 820,622 ng mga da­yuhang bakasyunista.

Sinundan ito ng mga Korean na lumipad mula sa Incheon na umabot ng 303,504 o 37% ng foreign arrivals, at pumangatlo ang Taiwan na nakatala ng 25,133.

Lalo pang tumaas ang bilang ng mga dayuhan mula sa nasabing mga bansa na bumisita sa isla o 43% ng 1,601,450 arrivals sa nabanggit na period dahil sa dagdag na regional flights, maayos na impraestruktura at tourism appeal ng Boracay.

Inaasahan naman ng lokal na pamahalaan ng Malay na madadag­dagan pa ang bilang ng mga lokal at foreign tourist na bibisita sa popular tourist destination sa buong mundo matapos itong kilala­ning best island in Asia ng Conde Nast Traveller readers.

Samantala, ang local tourists ay nakapagtala ng 729,415 arrivals sa parehong panahon. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.