ARESTADO ng pinagsanib na mga operatiba ng Northern Police District (NPD) at Makati City Police ang dalawang miyembro ng isang big-time gunrunning syndicate kabilang ang isang Chinese national sa buy-bust operation sa Makati City kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni NPD Director BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr. ang mga suspek na sina Huang Sia, alias Jason Lee, 30-anyos ng 9089 B. Banoyo St. Brgy. San Antonio Makati City at Raffy Ballera, 29-anyos ng 149 Villaruel St. Brgy. 24, Pasay City.
Nag-ugat ang pagkakaaresto sa mga suspek mula sa nakalap na impormasyon ni District Special Operation Unit (DSOU-NPD) chief P/Lt. Col. Jay Dimaandal hinggil sa illegal na pagbebenta ng mga suspek ng high powered na mga baril sa metropolis at kalapit na mga probinsiya.
Dakong alas-4:10 ng hapon nang magsagawa ang pinagsanib na mga operatiba ng DSOU at District Drug Enforcement Unit (DDEU-NPD) sa pangunguna ni Maj. Amor Cerillo, sa koordinasyon sa Makati City Poblacion Police Sub-Station ng buy-bust operation sa San Agustin St., Salcedo Village, Brgy. Bel-Air kung saan nagpanggap na poseur-buyer si SSgt. Angelito Gagarin habang magsisilbi namang back-up si SSgt. Emmanuel Carpio at MSgt. Eleazar Lazaro.
Nang iabot ng mga suspek ang isang mahabang baril sa police poseur-buyer kapalit ng P3,000 marked money ay agad lumapit ang back-up na mga operatiba saka sinunggaban ang mga suspek.
Nakumpiska sa mga suspek ang apat na mahabang baril may marka Spikes Tactical Apopka FL USA at nasa P100,000.00 ang halaga, kaha ng sigarilyo na naglalaman ng nasa1 gram ng cocaine at nasa P5,000.00 ang halaga, transparent plastic bottle na naglalaman ng nasa 3 grams ng shabu na nasa P20,400.00 ang halaga at marked money.
“Binabati ko ang matagumpay na operayon ng pinagsanib na pwersa ng NPD DSOU at ng Makati Police.
Sa pagtutulungan ng ibat ibang unit ng pulisya, ang paghuli sa mga gumagawa ng illegal ay mas lalong napaiigting.” ani NPD Director Hidalgo.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. EVELYN GARCIA
708120 451430Some truly good and utilitarian information on this web website , likewise I believe the style and style holds great features. 773942
560676 759243Thank you for this. Thats all I can say. You most undoubtedly have produced this into something thats eye opening and crucial. You clearly know so much about the topic, youve covered so several bases. Great stuff from this part with the internet. 611351
938574 661249Hello DropshipDragon provides dropping for quality, affordable products direct from China to your customers. Perfect for eBay sellers and site owners alike! 760139
812614 692335Some genuinely good stuff on this internet site , I enjoy it. 359318