CHINESE NATIONALS, PINAKAMARAMING DUMAGSA SA BORACAY

Boracay

NANATILING nangunguna pa rin ang Chinese nationals sa mga hanay ng foreign tourists na dumagsa sa isla ng Boracay sa buwan ng Agosto 2019.

Base sa talaan ng Provincial Tourism Extension Office sa Caticlan jetty port, nasa 43,963 ang kabuuang bilang ng mga turistang Chinese na nagbakasyon sa pamosong isla mula Agos­to 1 hanggang 31 ng kasaluku­yang taon.

Sinundan naman ito ng mga dayuhang turista mula sa Korea na umabot sa 38,791 habang pumangatlo naman sa talaan ang Taiwan na nakatala ng 3,837; Saudi Arabia na umabot sa 1,355 at Japan na may bilang na 1,237.

Umaasa naman ang Aklan Provincial Government na madadagdagan ang bilang ng mga lokal at dayuhang turista na bibisita sa tanyag na tourist destination sa buong mundo.

Simula Enero 1 hanggang Agosto 31, ang tourist arrival sa Boracay ay nasa 1,480,445 na patuloy pang lumolobo.  BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.