NAPAALIS ng BRP Cabra ang isa na namang Chinese Navy warship na namataan sa Marie Louise Bank na nasa layong 147 nautical miles mula sa baybayin ng El Nido, Palawan.
Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), na-monitor ng BRP Cabra (MRRV-4409) ang isang “navy warship” na may watawat ng People’s Republic of China at markado ng Chinese characters.
Mahinahong nagpaabot ng radio challenge ang barko ng Filipinas, habang binabantayan ang galaw ng nasabing barko.
Lumapit din ang PCG vessel para mas maaninag ang aktibidad na isinasagawa ng Chinese Navy Warship sa katubigan.
Nang walang matanggap na verbal response, ginamit ng MRRV-4409, sa pangunguna ni Commander Erwin Tolentino, ang Long Range Acoustic Device (LRAD) para ipahatid ang verbal challenge sa Chinese Navy Warship.
Matapos nito, nagsimulang gumalaw ang barko palabas ng Marie Louise Bank.
Sinundan ito ng BRP Cabra (MRRV-4409) para masigurong lilisanin nito ang nasabing katubigan na bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Nang maramdaman na humigit-kumulang 500 – 600 yarda o 0.25 – 0.30 nautical mile lang ang distansya ng BRP Cabra (MRRV-4409) sa kanilang barko, nagpahatid ng radio message ang Chinese Navy Warship: “Philippine Coast Guard 4409, this is Chinese Navy Warship 189. Please keep two nautical miles distance from me,” ayon sa barko.
Sa kabila nito, nagpatuloy ang mahigpit na pagbabantay ng BRP Cabra (MRRV-4409) sa Chinese Navy Warship gamit ang ‘Rules on the Use of Force (RUF)’. Ito ay hanggang sa tuluyang nakalabas ng Marie Louise Bank ang nasabing foreign state vessel na tumakbo sa bilis na 9.4 knots. VERLIN RUIZ
27181 540869great day, your internet internet site is low cost. I do numerous thanks for succeed 704296
105110 188434Attractive part of content material. I just stumbled upon your internet site and in accession capital to claim that I acquire in fact enjoyed account your blog posts. Any way Ill be subscribing to your feeds and even I achievement you get entry to constantly swiftly. 100974
479731 691697I dont believe Ive seen all of the angles of this subject the way youve pointed them out. Youre a true star, a rock star man. Youve got so significantly to say and know so considerably about the subject that I think you need to just teach a class about it 59089