KINANSELA na rin ng City Government of Manila ang lahat ng aktibidad sa lungsod na may kinalaman sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa Pebrero 1 kasunod na rin ito nang patuloy na banta ng COVID-19 pandemic.
Hindi muna pinapayagan ang pagdaraos ng tradisyunal na mga parada, dragon at lion dances, pagpapailaw ng mga firecrackers sa mga lansangan at iba pang aktibidad na may kinalaman sa naturang pagdiriwang.
Mahigpit din na ipatutupad ang liquor ban partikular sa Chinatown area o sa Binondo.
Nabatid na maging ang China ay nagkansela na rin ng kanilang Lunar New Year celebration para sa milyun-milyong migrants na hindi na Muna pinauuwi para sa Chinese holidays. VERLIN RUIZ