CHINESE OPERATOR NG PROSTI DEN WALANG POLICE PROTECTION

Debold Sinas

TAGUIG CITY – PINABULAAN ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief,  Police MGen. Debold Sinas ang mga alegasyon na binibigyang proteksiyon ng mga pulis ang mga prostitution den na ang mga maintainer ay mga Chinese.

Sinabi pa ni Sinas na patuloy pa rin ang lahat ng kapulisan sa Metro Manila sa pagsasagawa ng mga operasyon at raids laban sa sindikato na nagpapanatili ng prostitution den.

Sinabi pa ni Sinas na kung mayroon mang pulis na nagbibigay ng proteksiyon sa mga naturang aktibidades ay kanyang paparusahan.

“The NCRPO is invigorating its revitalized internal cleansing program to cleanse our rank from scalawags and erring members We have a dedicated unit working on this and guaranteed, there is zero tolerance among our ranks and I will personally ensure that such personnel will be identified and made to suffer the consequences of their ill actions,” ani Sinas. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.