CHINESE, RUSSIAN MADE E-VEHICLES BAWAL SA US

IPAGBABAWAL na mag-import at pagbenta ng electric vehicles at components nito na gawa sa People’s Republic of China at Russia sakaling maipasa ang panibagong batas ng US Bureau of Industry and Security (BIS).

Base sa ilang news agency na nakalap mula sa nasabing ahensya ng US BIS, “a Notice of Proposed Rulemaking that would prohibit the import and sale of vehicles and components made by manufacturers “with a sufficient nexus” to the People’s Republic of China at Russia.

Sinasabing nakatutok ang bagong batas sa mga ele­mento ng electric vehicle (EV) hardware at software dahil sa malisyosong paggamit ng impormasyon at data na kailangan ng dalawang bansa sa kinakaharap na taon kung saan sa sandaling maipasa ang new software ban ay magiging epektibo sa lahat ng sasakyan na may model year 2027 na may hardware provisions simula sa model year 2030.

Sa nakalap na impormasyon ng US BIS, ang Vehicle Connectivity Systems (VCS) ng nasabing imported na EV ay maaaring makapag-communicate sa pamamagitan ng Bluetooth, cellular, satellite o kaya sa Wi-Fi modules habang ang Automated Driving System naman ay maaring mag-operate kahit walang driver.

Gayunpaman, sakaling maipasa ang bagong batas ay maaring exempted ang mga sasakyang gawa sa China at Russia na may kaugnayan sa agriculture at mining industries.

Ipinaliwanag naman ng White House sa kanilang ipinalabas na statement, kabilang sa mga teknolohiya ng EV ay ang computer systems kung saan kontrolado ang vehicle movement na maaaring maka-collect ng sensitibong data o impormasyon ng driver at pasahero  tungkol sa American infrastructure sa pamamagitan ng camera at sensor na nakakabit sa EV.

Ayon pa sa ilang ulat ng news agency na nakalap kay Secretary of Commerce Gina Raimondo, ang bagong batas ay mapoprotektahan ang American-made electric vehicle maging ang national security at privacy ng US citizen na nalalagay sa peligrosong kalagayan.

Sa kasalukuyang presyo ng EV na gawang China ay aabot sa halagang $18K na mas mababa sa merkado ng United States kung saan sinabi naman ng dating Chief Editor ng China Auto Review na si Lei Xing, kung 100 % ang taripang ipapataw sa China made EVs, ang panibagong batas na ipagbawal sa US ang nasabing mga sasakyan ay mistulang parusang death sentence sa China EV Inc.

MHAR BASCO